Maayos na ang kalagayan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos at hindi na sila nakararamdam ng “flu-like symptoms,” ayon sa Presidential Communications Office (PCO) nitong Lunes, Marso 25.

“The President and the First Lady have completely recovered from their flu-like symptoms and are now in excellent health,” anang PCO sa isang pahayag.

“Their attending physician has confirmed that they are free from all symptoms, enabling them to promptly return to their regular duties, effective immediately,” dagdag nito.

Dahil dito, saad ng PCO, nakadalo na ang pangulo sa kaniyang mga meeting ngayong Lunes, at ipagpapatuloy na raw niya ang kaniyang “public duties” simula bukas ng Martes, Marso 26.

National

PBBM at FL Liza, pinagpapahinga matapos magkaroon ng 'flu-like symptoms'

Matatandaang noong Miyerkules ng gabi, Marso 20, nang ianunsyo ng PCO na nagkaroon ng “flu-like symptoms” ang First Couple matapos ang kanilang “full schedule” noong mga nakaraang araw.