Ibinahagi ni “Love, Die, Repeat” star Xian Lim ang kaniyang pananaw hinggil sa pag-ibig nang kapanayamin siya sa “Fast Talk with Boy Abunda” noong Biyernes, Marso 22.

Sa isang bahagi ng naturang talk show, sinabi ni Xian na ang pag-ibig ay isang magical feeling bagama’t nagdudulot ito ng sakit.

“I think it teaches you pain. Love is very painful. And it’s also a very magical feeling. I think that's what love does to you. 

“But at a certain point, love disappears and I think doon na magiging choice ang pagmamahalan,” aniya.

Dagdag pa ng aktor: “You choose to stay together and you choose to fight for each other no matter what it is. So, I think that's for love, Tito Boy.”

Tsika at Intriga

Rosmar, binanatan si Inah De Belen: 'Starlet na di pa nga sikat attitude na agad. Pwe!!'

Samantala, sa isang bahagi naman ng panayam, ibinahagi rin ni Xian ang nais niyang balikan sa nakaraan sakaling magkaroon siya ng pagkakataon.

MAKI-BALITA: Xian Lim, may gustong balikan

Matatandaang kagagaling lang ni Xian sa break-up. Kinumpirma nila ni Kim Chiu ang kanilang hiwalayan noong Disyembre 2023 sa pamamagitan ng kani-kanilang social media accounts.

MAKI-BALITA: ‘End of a Love Story!’ Kim Chiu kinumpirmang hiwalay na sila ni Xian Lim

MAKI-BALITA: Xian kay Kim: ‘No goodbyes here, I’ll see you around’

Gayunpaman, inamin ni Kim sa isang panayam na bukas pa rin naman daw siya sa posibilidad na makatrabaho ang kaniyang ex-jowa.

MAKI-BALITA: Kim Chiu, okay lang daw makatrabaho si Xian Lim