Inihayag ni Miss Universe Philippines 2026 Bea Millan-Windorski ang hiling niyang matanggap siya sa Pilipinas matapos niyang makamit ang korona sa pinakanangungunang national beauty pageant sa bansa.
Bago nito, nauna nang dumepensa si Bea sa mga binabatong kritisismo ng publiko laban sa kaniya na isa raw siyang performative at oportunista sa pagtahak niya ng kaniyang career sa mundo ng pageantry sa bansa.
“I get a lot of criticism that I’m an opportunist or I’m performative. But throughout this whole journey, I’ve just been trying to be enough for myself and enough for younger Bea who was proud to be Filipina and felt rejected by both Americans and both Filipinos at home,” saad niya sa panayam sa kaniya ni Asia's King of Talk Tito Boy Abunda noong Miyerkules, Mayo 6, 2026.
KAUGNAY NA BALITA: MUPH Bea Windorski, tumangging performative at oportunista!
Sa pag-uusap pa nila ni Tito Boy, sinabi ni Bea na ipinaglaban daw talaga niya ang lugar na narating niya kaya raw naging emosyonal siya nang makoronahan siya bilang MUPH 2026.
“I’ve fought so hard to carve out a place where I feel like I belong. That’s why winning the crown was so emotional,” pagsisimula niya.
Ani Bea, pinaghirapan daw niyang piliin ang Pilipinas bilang kaniyang tahanan kaya umaasa siyang matatanggap siya sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagkapanalo niya bilang bagong reyna ng MUPH.
“I’ve worked so hard to pick the Philippines as my home. And by winning this crown, I feel like the Philippines has finally picked me,” aniya.
Pagtitiyak niya, itutuloy pa rin daw niya ang pangako at nasaad niya noon sa Q&A portion ng MUPH na magiging public servant siya para sa lahat.
“For me, promises said are promises delivered. I’ve outlined what I wanted to do to help our OFW workers, to help our trans brothers and sisters, and to protect the environment,” pagtatapos pa niya.
Matatandaang nakoronahan si Bea bilang Miss Universe Philippines 2026 sa ginanap na coronation night sa SM Mall of Asia noong Mayo 2, 2026.
Kinoronahan na rin siya bilang Miss Earth USA noong 2024 at kinilala siya bilang kauna-unahang Filipino-American na nanalo ng naturang titulo.
Samantala, nakatakda namang katawanin ni Bea ang Pilipinas sa global stage para sa ika-75 edisyon ng Miss Universe na gaganapin sa Nobyembre 2026.
KAUGNAY NA BALITA: KILALANIN: Sino si Miss Universe Philippines 2026 Bea Millan-Windorski?
KAUGNAY NA BALITA: Bea Windorski sa mga babaeng na-bully dahil sa itsura: 'You need to be enough for yourself!'