Sinaway ni “Queen of Bangsamoro Pop” Shaira Moro ang ilang fans niyang kinukuyog ang Australian singer-songwriter na si Lenka.

Sa kaniyang Facebook post nitong Biyernes, Marso 22, nakiusap si Shaira sa mga tumatangkilik at sumusuporta sa kaniya na itigil na ang pagbibigay ng hindi magagandang komento kay Lenka.

“Naiintindihan ko po ang sentiments n’yo dahil sa pag take down ng kantang ‘Selos’ at nagpapasalamat po ako dahil kahit papano ay nandyan kayo na nagnanais na ipagtanggol ako,” saad ni Shaira.

“Subalit nais ko din pong ipaalam na naging maayos ang approach sa amin ng kampo ni Lenka, Mabuti at maayos silang kausap. At nakikita namin na ginagawa lamang nila kung ano yung tama at naaayon sa batas,” aniya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Dagdag pa niya: “Sana po ay matigil na ang mga pambabash or pag spread ng hate speech laban sa kanila bagkus ay ipakita po natin na tayo ay Peace Loving Citizen. Good Vibes lang po tayo lagi.”

Matatandaang naging sentro ng bashing si Lenka matapos tanggalin ng record label ni Shaira ang kanta nitong “Selos” dahil sa isyu ng “copyright.”

May isa pa ngang fan na nagsabing dapat umanong pasalamatan ni Lenka si Shaira dahil pinasikat siya nito.

MAKI-BALITA: ‘Selos’ ni Shaira, tinanggal na sa mga online streaming platform

MAKI-BALITA: Lenka, kinukuyog ng fans ni Shaira: ‘Hindi naman inangkin’

MAKI-BALITA: Lenka, dapat daw magpasalamat kay Shaira

MAKI-BALITA: Shaira sa pagtanggal ng ‘Selos’: ‘Okay na okay po ako’