Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Biyernes ng umaga, Marso 22, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 8:19 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 214 kilometro ang layo sa timog-silangan ng  Balut Island sa Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 94 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.