“Aang-cla: The Last Elevender?”

Kinaaliwan sa social media ang video ng staff sa isang mall dahil sa mala-”Avatar” na style ng pag-assist nito sa elevator.

Makikita sa video na in-upload ng Instagram user na si “Don” ang “malikhaing” pag-assist sa kanila ng isang staff sa elevator habang nilakipan pa niya ang video ng sound effects na mula sa palabas na “Avatar: The Last Airbender.”

“Keep her away from the #FireNation please. 🌬️ #avatar #avatarthelastairbender,” kwelang caption ni Don sa kaniyang post.

Trending

Guro ginawang 'patay' sa Teachers' Day greetings; umani ng reaksiyon sa netizens

“POV: Avatar Angcla on her metal bending era,” hirit din niya sa video.

Maraming netizens naman ang naaliw sa naturang pag-assist ng staff sa elevator.

Habang sinusulat ito’y umabot na sa mahigit 2.7 million views at 44,000 likes ang nasabing post ni Don.

“HAHAHAHAHHA the last airlevator,” komento pa ng isang netizen sa post.

“Angcla: The Last Elevender,” hirit naman ng isa pa.