Lubos ang pasasalamat ni Unkabogable star Vice Ganda sa GMA Network para sa pagtanggap nito sa “It’s Showtime” sa ginanap na contract signing nitong Miyerkules ng hapon, Marso 20.

Sa kaniyang binigkas na speech, sinariwa ni Vice Ganda ang karanasang ibinigay sa kanila ng GMA mula sa pagsampa nila sa GTV haggang sa pagdalo nila sa GMA Gala 2023.

“Pagkatapos ng event na ‘yon, ikinukwento namin sa marami how beautiful the experience was going to the GMA Ball. And now, today, isa na naman masarap, mainit, at napakagandang karanasan, maraming-maraming salamat po sa inyo,” lahad ni Vice Ganda. 

“At kami po sa ABS-CBN na nakakaranas ng ganyang pagtrato at pagtingin mula sa inyo, lagi po naming napag-uusapan at hindi nawawala ‘yong laging nabibitawan: ‘In fairness, ang babait ng GMA,’” aniya.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Dagdag pa ng Unkabogable star: “Lagi, lagi naming nababanggit: ‘Ang bait ng mga taga-GMA.’ Ang dali nilang kausap. Maayos silang kausap.’” 

Nakatakda nang mapanood ang “It’s Showtime” sa GMA sa darating na Sabado, Abril 6, mula 12 ng tanghali hanggang 2:30 ng hapon.

MAKI-BALITA: ‘It’s Showtime,’ opisyal nang mapapanood sa GMA sa Abril!