Kinukuha ng mga netizen ang atensyon ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) kaugnay sa trending na #JusticeForKillua kung saan isang golden retriever ang walang awang pinaslang at inilagay sa loob ng sako, ng isang kapitbahay ng fur parent nito.

"mahal na mahal ko yan. we found his lifeless body inside a sack 😭😭," caption ni Vina Rachelle sa kaniyang FB post kalakip ang mga larawan ng alaga noong kasama pa niya ito. Si Vina Rachelle ang fur mom ni Killua.

Sa iba pang FB posts, isinalaysay ni Vina ang nangyari at ibinahagi rin ang kopya ng CCTV footage kung saan makikitang hinahabol at tila hinahampas ng isang lalaki ang kaniyang alaga habang nasa kalsada.

Ayon sa post, nakawala sa loob ng kanilang tarangkahan si Killua at hindi na ito nakabalik sa kanila.

Kahayupan (Pets)

AKF, muling kinondena Pasungay Festival

Hinanap nila kung nasaan ito subalit patay na nang makita nila at nakasilid na sa sako.

Nang komprontahin nila ang lalaking gumawa umano nito kay Killua, dumepensa ito na muntik na raw itong makagat at pinroktektahan lamang ang sarili.

Katwiran naman ni Vina, hindi ito sapat na dahilan upang patayin ang kaniyang alaga.

"for the information of everyone, hindi yan nakalabas kasi bukas ang gate. the gate was locked. tumaas siya tapos nahulog ata, we don't exactly know what happened. he was probably anxious and stressed, hindi siya sanay sa labas kasi sa loob lang yan ng bahay palagi. kaya, no, hindi namin binuksan yung pinto kaya nakalabas."

"and if nangagat man, it is not enough reason to kill my pet. he was asking for apology, but no sorry could ever replace my baby. he was loved by everyone, and he loves us the same. more than pa nga 😞"

"i'll miss sleeping beside you, my baby. i'll miss taking a shower with you. kasi sasama ka, kasi gusto mo di tayo nag hihiwalay kahit sa pag ligo ko 🥺," aniya.

Dahil dito, trending sa X ang #JusticeForKillua at nanawagan ang mga netizen sa PAWS na imbestigahan at papanagutin ang may sala sa pagkamatay ng aso.

MAKI-BALITA: #JusticeForKillua: Post ng fur mom tungkol sa pinaslang, isinakong fur baby viral na

Samantala, dahil dinudumog ng mga netizen sa comment section ng kanilang posts na walang kinalaman kay Killua, nagbigay na rin ng panawagan ang PAWS na tulungan silang makipag-ugnayan sa fur parent ni Killua.

"Hi PAWS friends. We understand your anger towards Killua's killer and call for justice. To do this, we need to be able to contact the owner to help them in filing criminal charges. If you or someone you know is in contact with the owner kindly connect us to them. We have messaged their FB page but have not received any reply from them," anila.

Photo courtesy: PAWS (FB)

Ibinigay rin nila ang link kung paano makakapaghain ng kaso laban sa "killer" ni Killua.