May 20, 2026

Home BALITA

Madriaga, pumirma ng bank secrecy waiver

Madriaga, pumirma ng bank secrecy waiver
Photo Courtesy: Screenshots from HoR (YT)

Pumayag ang nagpakilalang “bagman” at “aide” noon ni Vice President Sara Duterte na si Ramil Madriaga na silipin ang mga binanggit na bank account sa inilatag niyang supplemental affidavit.

Sa pagdinig ng House Justice Committee nitong Martes, Abril 14, isinumite ni Madriaga ang nilagdaan niyang waiver sa Bank Secrecy Law.

“For the record, Mr. Madriaga is submitting his waiver on the Bank Secrecy Law, which means that he's giving his conformity to the committee to look into the accounts mentioned in his supplemental affidavit,” saad ni Batangas 2nd district Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro.

Dagdag pa niya, “So the Committee Secretary is directed to receive the copy of the waiver of Bank Secrecy Law to form part of the records of the proceeding of this case.”

Matatandaang inamin ni Madriaga sa mismong pagdinig na nasa anim na bank accounts umano ang binuksan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng pangalan niya para sa umano'y intelligence operations at laundering.

National

Malalakas na bagyong dulot ng habagat, Super El Niño posible sa Hunyo hanggang Agosto!—PAGASA

Inutusan din siya umano nito na kunin ang mga pera mula sa bangko at dalhin sa Palasyo, kabilang ang ₱100 milyong halaga sa tatlong magkakahiwalay na okasyon.

Samantala, tinatayang nasa ₱84.2 milyon at ₱4.8 milyon naman ang tsekeng naisyu at naihatid sa isa sa mga aniya’y safehouse nila sa Eastwood, Quezon City.