May 21, 2026

Home FEATURES Kahayupan (Pets)

ALAMIN: Pet body language na mahalagang malaman ng fur parents

ALAMIN: Pet body language na mahalagang malaman ng fur parents
Photo courtesy: Unsplash

Tiyak na sumagi na sa isip ng maraming fur parents ang katanungang “kung nakakapagsalita ang fur baby ko, ano kayang sasabihin niya?” 

Dahil bagama’t walang mga salitang lumalabas sa bibig nila, mararamdaman naman ang pagmamahal nila sa kanilang fur parents sa pamamagitan ng kanilang body language. 

Kaya upang mas maintindihan ang paraan ng kanilang “expressive” na pagpapahayag ng sarili, narito ang ilang pet body language na mahalagang malaman ng bawat fur parents. 

DOG BODY LANGUAGE 

Pagwawagayway ng buntot 

Kahayupan (Pets)

‘Para bang princess treatment:’ Bonding ng aso’t pusa, kinaaliwan ng netizens

Ang buntot ng aso ay isa sa mga parte ng kanilang katawan na nagsisilbing “give away” sa kanilang mood. 

Ayon sa mga pag-aaral, ang mabilis nilang pagwasiwas ng buntot ay signal na natatakot o hindi pamilyar ang aso sa kaniyang paligid, kaparehas nito ang pag-ipit ng buntot sa pagitan ng mga binti. 

Ang stiffed na buntot naman ay nangangahulugang natataranta siya o kaya nama’y napukaw ang kaniyang interes. 

Habang ang loose o mas relaxed na pagwagayway ng buntot ay nangangahulugang komportable ito. 

Pagtihaya 

Ang pagtihaya ng aso ay kadalasang senyales na ito’y komportable, dahil sa pagkaka-expose nito ng kaniyang tiyan. 

Gayunpaman, ang pagtihaya ay hindi kaagad nangangahulugan ng “belly rubs” kaya importanteng obserbahan pa rin ang aso bago ito hawakan. 

Paggalaw ng mga tainga 

Katulad ng buntot, ang mga tainga ng aso ay ang nagsisilbi nilang “mood indicator.” 

Batay sa iba-ibang pag-aaral, ang pagtaas ng mga tainga sa mga aso ay senyales na ito ay alerto at handa sa anumang nangyayari sa paligid nila. 

Ang pagbagsak naman ng kanilang mga tainga ay nangangahulugang komportable at relaxed sila sa paligid nila. 

Kapag ang isa sa mga tainga ay nakababa habang ay isa ay nakataas, madalas, ito ay senyales ng pagkabalisa o kaya’y kausyo-sohan o curiosity. 

Habang nakalapat ang kanilang mga tainga sa kanilang ulo, ito naman ay senyales ng takot, pagkabalisa, o kaya’y pagpapakumbaba sa isang mas domanteng aso o bagong kapaligiran. 

Paghikab 

Ang paghikab ay ginagamit ng maraming aso upang ikalma ang sarili nila sa mga nakaka-stress na sitwasyon o kapaligiran, tulad ng pagbisita nila sa kanilang beterinaryo. 

Ayon sa American Kennel Club, katulad ng pagkakahawa ng hikab sa mga tao, ang mga aso ay maaari ding maghikab kapag may nakikitang gumagawa nito sa paligid nila. 

CAT BODY LANGUAGE

Dahan-dahang pagpikit ng mga mata

Ang dahan-dahang pagpikit para naman sa mga pusa ay nangangahulugang sila ay masaya, komportable, at ligtas sa kanilang paligid. 

Ayon sa iba’t ibang pag-aaral, ito ang paraan ng mga pusa para magsabi ng “I love you” sa kanilang fur parents. 

Kneading o biscuits

Ang kneading o “biscuits” ay isang instinctive na gawain ng mga pusa simula pa lamang sa pagiging kuting upang mas makasuso ng gatas sa kanilang ina. 

Sa kanilang paglaki, ginagawa nila ito sa malalambot na bagay tulad ng kombre kama, unan, o kaya’y damuhan. 

Ang biscuits ay paraan din ng maraming pusa upang markahan ang kanilang teritoryo at ilabas ang tensyo na nararamdaman. 

Ayon sa maraming pag-aaral, ang biscuits ay isa ring paraan upang iparamdam ng pusa na komportable at ligtas sila sa kanilang fur parents. 

Rubbing

Ang pagyapos o rubbing ng mga pusa ay isa ring paraan upang iparamdam nilang masaya sila, katulad ng biscuits at dahan-dahang pagpikit. 

Spraying

Para sa mga pusa, ang spraying ay isang paraan upang sabihin sa iba pang pusa na teritoryo na nila ang isang lugar, partikular sa mga bago pa lamang sa tinitirhan nilang lugar. 

Pagtihaya 

Sa mga pag-aaral, ito ay tinatawag ding “venus trap” dahil ang pagtihaya ng mga pusa, habang kadalasang senyales na komportable sila sa paligid, ay maaari ding magdulot ng kanilang pagkagat o pangangalmot. 

Kaya habang nakakatukso na hawakan at haplusin ang kanilang tiyan, mahalagang obserbahan pa rin ang kabuoan pa nilang body language.