“Ang puso ko'y nagdurugo, at parang sumisikip ang dibdib ko

Sa t'wing nakikita ko na magkatabi kayo, oh-oh

Kahit 'di naman tayong dal'wa ay lagi na lang pinagseselosan siya

Bakit ba siya at bakit 'di na lang ako?”

Musika at Kanta

Martin Nievera, may madamdaming mensahe kay Sofronio Vasquez

Pamilyar ka ba sa lyrics? Kung oo, walang dudang kilala mo si Shaira Moro, ang tinaguriang  “Reyna ng Bangsamoro Pop” na ngayon ay namamayagpag ang tinig sa iba’t ibang social media platforms gaya ng TikTok, Facebook, X, YouTube, at iba pa.

Si Shaira ay tubong Mindanao at miyembro ng Trigger band na lumilikha ng mga kanta sa YouTube at nag-oorganisa ng mga gig event.

Naging background music ang kanta niyang ">“Selos” sa mga dance challenge at maging sa mga templated video na talaga namang kinaaliwan ng mga netizen. 

Kaya hindi nakapagtataka na naitala ang kaniyang naturang kanta bilang number 1 sa Spotify Viral Songs PH noong Marso 8.

https://twitter.com/allchartsph/status/1765975833779605602?s=46&t=WyJzBEYc-Tyt0B4Fp736eA

Umani ng samu’t saring reaksiyon sa X si Shaira. Narito ang ilan sa kanilang mga komento nang magsimulang umalingawngaw ang boses niya:

“manifesting shaira moro for up fair 2025 🙏🙏🙏 pls need ko marinig ang selos live huhuhu our pop ballad queen!!”

“shaira reviving moro pop”

“Ilang linggo nang earworm ‘to sa Tiktok!!!”

“But also, a moment here: Shaira, a hijabi who calls herself a Moro singer, just broke through national and mainstream consciousness thanks to Tiktok.”

“what's fascinating abt kween shaira and moro pop is that the sound and the beat feels SOOO nostalgic as someone who grew up and spent the most of my life in mindanao”

“genuinely wanna see kween shaira do well in mainstream music here in manila cuz moro music deserves recognition !!!! it’s a whole ‘nother world of opm!!!!”

“Shaira the Moro singer! 100% halal certified. Hahahaha”

Isa lamang ang ibig sabihin nito: nahuli ng mga titik at salita ni Shaira ang pambansang pakiramdam ng bawat Pilipino. Matagumpay niyang naitawid ang selos mula sa personal na lebel patungo sa karanasan ng mas nakakarami.