Usap-usapan na naman ng mga netizen ang aktres na si Ria Atayde matapos mapansing tila nag-gain weight ito at may umbok ang tiyan kahit na nakasuot ng itim na dress.

Hindi nakaligtas sa mapanuring mga mata ng netizens ang hitsura ni Ria sa video na inupload ng mismong ina nito, ang batikang aktres na si Sylvia Sanchez, nang i-flex ang pagsorpresa nila sa padre de pamilya na si Art Atayde.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

View this post on Instagram

A post shared by Sylvia Sanchez (@sylviasanchez_a)

Bukod sa pagbati ng ilang celebrities at kaibigan sa comment section, ilang netizens naman ang nagpahaging na mukhang magkaka-apo na sina Sylvia at Art.

"parang may apo na po kau ms. @sylviasanchez_a ,, preggy na yta si ms. @ria ❤️❤️❤️" sey ng isang netizen.

Komento naman dito ng isa pang netizen, "para nga! It’s ok.."

Usisa naman ng isa, " Akala ko b Sabi ni @ataydegela hindi buntis?"

Pahayag naman ng isa pang netizen, "wow @ria are really pregnant💗💗💗"

Hindi naman tumugon, nag-react, o nagkumpirma si Sylvia o Ria sa mga sinabi ng netizens sa comment section ng post.

Ang boyfriend ni Ria ay si Kapamilya actor Zanjoe Marudo.

Sa isang panayam, sinabi ng bunsong kapatid ni Ria na si Gela Atayde na imposibleng buntis ang kaniyang ate dahil sa iniinda nitong PCOS.

MAKI-BALITA: Mahihirapang magkaanak? Gela Atayde, pinabulaanan pagbubuntis ng kapatid

MAKI-BALITA:  Zanjoe Marudo, Ria Atayde engaged na!

MAKI-BALITA: Ria, buntis na raw kaya inalok ni Zanjoe ng kasal?