May 21, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

‘Parang mawawalan ng malay:’ Awra Briguela, itinakbo ang sarili sa ER!

‘Parang mawawalan ng malay:’ Awra Briguela, itinakbo ang sarili sa ER!
Photo courtesy: Awra Briguela (IG)

Isinugod ni TV at social media personality Awra Briguela ang kaniyang sarili sa emergency room (ER) kamakailan dahil sa matinding pananakit ng tiyan at pagsusuka. 

Sa kaniyang Instagram story noong Lunes, Abril 13, ikinuwento ni Awra na bandang 8:30 AM, nagising siya dahil sa sobrang sakit ng tiyan. 

Tiniis niya pa raw ito hanggang 10:00 AM ngunit hindi na talaga niya kinaya dahil halos isang oras na siyang hindi makalabas ng banyo dahil sa tuloy-tuloy na pagsusuka ng tila yellow acid. 

“Tinakbo ko sarili ko sa Emergency Room kasi nagising ako na sobrang sakit ng tiyan ko and I kept vomiting yellow bile. It was around 8:30am and tiniis ko pa hanggang 10am, pero hindi ko na talaga kinaya kasi halos isang oras na akong nasa CR, tuloy-tuloy yung pagsusuka ng yellow acid,” ani Awra. 

Kaya itinakbo na raw niya ang sarili sa ospital, kung saan, muli siyang sumuka pagdating bago niya maramdamang para na raw siyang mawawalan ng malay. 

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

“So ayun, tinakbo ko na sarili ko sa hospital. Pagdating ko sa ER, sumuka na naman ako agad (nakakahiya pero hindi ko na kasi mapigilan and ramdam ko na parang mawawalan na ako ng malay,” saad ni Awra. 

Noong mga oras pa raw na iyon, ibinahagi ni Awra na mag-isa lang siya sa condo, ngunit laking pasasalamat niyang sumunod ang Mama niya sa ospital dahil na-locate nito ang kaniyang phone. 

“Mag-isa lang ako that time kasi mag- isa lang ako sa condo, pero buti na lang sumunod yung mama ko. Hindi na rin ako nakapag-reply sa family ko kung nasaan ako, good thing na-locate nila ako through Find My,” aniya. 

Matapos ang lab tests, “Acute Gastroenteritis” with mild to moderate dehydration ang kaniyang naging diagnosis, na sa tingin niya ay nagmula sa hindi pagkain ng maayos sa mga nagdaang araw at pag-inom lamang ng black americano. 

“After doing lab tests and everything final diagnosis is Acute Gastroenteritis with mild to moderate dehydration-probably from not eating properly these past few days (puro black americano lang) and kulang sa water,” paglalahad ni Awra. 

Dahil dito, muntik na raw siyang ma-confine dahil sa tagal ng pananakit niya ng tiyan, ngunit laking pasasalamat pa rin niya na bukod sa diagnosis, normal naman daw ang iba niyang lab results. 

Sa kasalukuyan, tiniyak ni Awra na okay na siya at kinakailangan na lamang niyang magpahinga, magkaroon ng maayos na eating schedule, at regular na pag-inom ng mga gamot. 

“I almost got confined because I kept asking for pain reliever and ilang oras na hindi pa rin nawawala yung sakit ng tiyan ko, but thankfully normal naman lahat ng results. I'm okay now just need to rest, fix my eating, and take my meds,” pagtitiyak ni Awra.