Si comedy genius Michael V.—o kilala rin bilang “Bitoy”—na ba ang hahalili sa iniwang puwang ng mga host sa sinibak na noontime show na “Tahanang Pinakamasaya?”

Matatandaang bakante ang timeslot ng GMA Network para sa noontime matapos nilang kumpirmahin sa isang joint statement kasama ang TAPE, Inc.  ang pamamaalam ng naturang show.

MAKI-BALITA: ‘Tahanang Pinakamalungkot?’ Noontime show ng TAPE, tsikang sisibakin na raw

MAKI-BALITA: Boy Abunda, kinumpirma pagbabu ng ‘Tahanang Pinakamasaya’

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kaya sa eksklusibong panayam ng GMA Integrated News nitong Lunes, Marso 11, inusisa si Bitoy tungkol sa posibilidad ng muling pagbabalik niya sa noontime show bilang isang host ngayong nag-renew siya ng kontrata sa GMA Network.

Pero pag-amin ng comedy genius, hindi pa rin daw siya handa hanggang ngayon.

“Parang hindi pa time. There’s a reason why I left 'Eat Bulaga' before. I think it’s the same reason kung bakit hindi pa siguro ako sasabak,” lahad ni Bitoy.

Sa isang lumang vlog, isiniwalat umano ni Bitoy na naging abala umano siya sa iba’t ibang proyekto kaya nagdesisyon siyang bitawan ang pagho-host.

Matatandaang 12 taon din siyang nag-host sa “Eat Bulaga” mula noong 2004 hanggang 2016 bago tuluyang umexit.

Pero bukod sa “Eat Bulaga,” naging host din si Bitoy sa mga sumusunod na programa ng GMA: “Hole in the Wall” (2009), “Bitoy's Showwwtime” (2009), Lip Sync Battle Philippines (2018).

Samantala, umuugong din ang balita na ang TV host na si Willie Revillame ang ipapalit sa “Tahanang Pinakamasaya.”

MAKI-BALITA: Willie Revillame, ipapalit sa ‘Tahanang Pinakamasaya?’