Sinagot nina “What Wrong With Secretary Kim?” stars Paulo Avelino at Kim Chiu ang tungkol sa posibilidad na makita silang dalawa sa big screen nang mangyari ang Grand Media Conference ng naturang serye sa Gateway Mall, Araneta Center, Quezon City nitong Sabado, Marso 9.

Ayon kay Paulo, as of now wala pa raw silang natatanggap na offer ni Kim bagama’t bukas naman daw siya sa ganoong posibilidad. In fact, game din daw siya maging co-producer ng naturang proyekto.

“Pwede naman, pwede naman. As long as maganda ‘yong kuwento. Pero sa ngayon, wala muna. Ito munang ‘What’s Wrong With Secretary Kim.’ Mabusog muna sila dito sa aming dalawa," saad naman ni Kim.

Bukod pa rito, naitanong rin sa kanila kung anong bet nilang role o concept kung sakali mang matuloy ang proyekto.

Pelikula

Julia Montes, dinaig sa bakbakan si Coco Martin

“Magkapatid,” sabi ni Kim sabay tawa. “Siguro surprise na lang. Anomang concept ‘yon magagawan naman ‘yan ng paraan.”

Matatandaang nakakadalawang television series pa lang sina Kim at Paulo pero tila marami pang gustong abangan ang fans sa development ng kanilang love team.

Una silang nagkasama sa “Linlang” ng Prime Video at ito ngang “What’s Wrong With Secretary Kim” ng Viu at Dreamscape Entertainment.

Anyway, nakatakda nang ipalabas ang naturang serye sa darating na Marso 18 sa mismong online streaming platform ng Viu.

MAKI-BALITA: Kim Chiu, Paulo Avelino bibida sa ‘What’s Wrong With Secretary Kim’