Nag-renew ng kanilang wedding vows ang mag-asawang Karylle at Yael Yuzon na dinaluhan ng malalapit nilang kaibigan at kaanak, nitong Sabado, Marso 9, sa isang chapel sa loob ng Ateneo De Manila University.

Napakapribado ng nabanggit na pagtitipon, na talagang immediate family at friends lang ng dalawa ang imbitado.

Ibinahagi ito ng ina ni Karylle na si Divine Diva Zsa Zsa Padilla sa kaniyang Instagram post, sa kaparehong petsa.

"Congratulations, K and Yael! It was a beautiful ceremony for your renewal of vows! 😊💐💒" caption ni Zsa Zsa, kalakip ang ilang mga kuhang larawan ng seremonya.

Events

Righhhooouuurrr at Lena, ginawang endorser ng liempo

Sa kaniyang Instagram stories naman ay ibinahagi ni Karylle ang iba't ibang Instagram stories at post ng mga imbitadong bisita sa kanilang intimate renewal of vows.

Ikinasal ang mag-asawa noong Marso 21, 2014, na pribado at intimate din.

Noong Pebrero 26, 2024, nag-propose si Yael kay K sa programang "It's Showtime."