Ibinahagi ni "It's Showtime" host at tinaguriang "Dyosa" ng Philippine showbiz na si Anne Curtis ang nangyaring "blooper" nang makaharap niya ang lead stars ng "The Devil Wears Prada 2" na sina Meryl Streep at Anne Hathaway, sa naganap na press tour ng nabanggit na pelikula sa Tokyo, Japan kamakailan.
Nabigyang-pagkakataon si Anne na makapanayam sina "Miranda Priestly" at "Andy Sachs" nang personal.
Isa pa sa mga Pilipinong mapalad na nakapagsagawa ng interview sa dalawa ay ang content creator na si Mimiyuuuh.
Sa Instagram post ni Anne, makikitang tila nagkaroon siya ng "Andy Sachs moment" dala marahil ng excitement, nerbyos, at fangirling sa dalawang stars.
Inaya kasi siya ni Anne Hathaway na mag-picture na muna kasama si Meryl.
Hindi kasi sinasadyang mabangga niya ang mikroponong nasa sahig, at tila nabitiwan pa niya ang hawak na papel kung saan nakaimprenta ang mga tanong niya sa dalawa.
"A dream interview with actresses I absolutely admire. Had my Andy Sachs moment as soon as I walked in, ako lang talaga e noh? Of all times!!!! Haha."
"After that my heart rate was hitting the roof, until their warmth took over."
"As an actress myself, it was such an honor to meet them. I was part of the generation shaped by The Devil Wears Prada 20 years ago and I can’t wait to see the sequel on the big screen. The Devil Wears Prada 2 in cinemas April 29," mababasa sa Instagram post ni Anne.
Hindi naman nasaktan si Anne at naging smooth naman ang takbo ng panayam niya sa dalawa.
Sa kaugnay na balita, ginawan pa ng isyu ng mga netizen ang naging outfitan nina Anne at Mimiyuuuh na kesyo natalbugan pa raw ng huli ang una.
Bagay na sinalag at pinagtanggol naman ng celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo, sa comment section ng isang TikTok video.
"Maybe because she's still grieving her father's death. Anne's outfit is so classy and beautiful," aniya.