Napag-initan na naman ang karakter ng aktor na si McCoy De Leon sa patok na primetime series na “FPJ’s Batang Quiapo.”

Sa latest Instagram post kasi ni McCoy nitong Biyernes, Marso 8, ibinahagi niya ang ilang kuhang larawan at video sa ginanap na Kapamilya Karavan bilang bahagi ng Panagbenga Festival sa Baguio City.

Sa isang video na ibinahagi ni McCoy, makikita ang isang lalaki na may hawak na kariton kung saan nakasulat ang mga sumusunod: “David, mamatay ka na!”

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Sey tuloy ng aktor sa caption ng kaniyang post: “Lulusong makapunta lang sa Baguio... kahit gusto niyo kong patayin.”

“Hehe di, biro lang. Salamat sa lahat ng mga taga Baguio sa malamig na pagtanggap sa Batang Quiapo family. (smiley)” dugtong pa niya. 

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post ni McCoy. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“😂😍😂 hanep yong "David mamatay ka na! 😂”

“😂😂😂😂mamatay ka na nga David🤣🤣🫶🫶✌🏼✌🏼✌🏼”

“Yung david mamatay kana HAHAHHAA”

“Grabe ung last🤣🤣🤣david mamatay kn😂😂😂”

“Mahal namin si DAVID ❤️”

“Nakakaproud moks!! 👏❤️🙌 @mccoydeleon”

Matatandaang pinanggigilan na rin ang karakter ni McCoy sa “Batang Quiapo” sa isinagawa nilang caravan sa Cavite noong Pebrero.

MAKI-BALITA: Gigil na mga Caviteño: McCoy De Leon, gustong ‘tapusin’ na

Anyway, patunay lang ito na epektibo niyang nagagampanan ang karakter niya sa naturang serye.