Mukha lang daw madali, pero mahirap daw talagang maging isang batang ama, sabi ng Kapamilya actor na si Jake Ejercito, nang sumalang siya sa one-on-one interview ni Ogie Diaz sa "Ogie Diaz Inspires."

Natanong kasi siya si Ogie kung kumusta naman siya bilang isang ama kay Ellie, anak nila ni Andi Eigenmann, at kung ano naman ang maipapayo niya sa mga kagaya niyang batang ama.

Sey ni Jake, dapat daw, bago pasukin ang pagiging tatay, dapat handa raw hindi lang sa financial aspect kundi maging sa mental at emosyunal na aspeto.

"It may look easy but it's not," aniya.

Musika at Kanta

Wolfgang, binuburaot ng Ivory, Vicor Music?

"Make sure na ready ka, hindi lang financially, but mentally, emotionally. Kasi kung hindi ka ready, anong mangyayari do'n sa anak mo, 'di ba? So kung hindi ka ready, huwag mong gawin."

Nagpapasalamat din si Jake na bagama't wala sa plano ang pagiging isang batang ama, mayroon naman daw siyang support system na umagapay sa kaniya.

Isa na raw diyan ang kapapanaw na ina ni Andi na si Jaclyn Jose na tinuruan daw siya kung paano mag-alaga ng anak.

Dahil hindi nalalayo ang age gap, natutuwa si Jake na parang magkuya lang daw sila ni Ellie na hindi na rin mapigilan ang paglaki.

MAKI-BALITA: Jake Ejercito, ginabayan ni Jaclyn Jose kung paano maging ama