Tutulong ang Philippine National Police (PNP) sa pag-aresto kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy.

Ito ang tiniyak ni PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo sa panayam sa radyo nitong Miyerkules at sinabing hinihintay na lamang nila ang warrant of arrest labaky kay Quiboloy.

Binigyang-diin ni Fajardo, magbibigay sila ng seguridad sa Senate Sergeant-at-Arms na mamumuno sa pagpapatupad nito.

National

Ilocos Sur, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Gayunman, sinabi ng opisyal na hindi pa nakikipag-ugnayan ang Senado sa PNP hinggil sa usapin.

Matatandaang isinampa ng Department of Justice (DOJ) ang kasong child abuse, sexual abuse of a minor at qualified human trafficking alinsunod sa itinakda ng ng Republic Act 7610 dahil sa reklamo ng isang 17-anyos na babae noong 2011.