Nagbigay ng reaksiyon ang owner ng X (dating Twitter) na si Elon Musk matapos ang biglang pag-down ng mga social media platforms ng Meta gaya ng Facebook, Instagram, at Threads nitong Martes ng gabi, Marso 5.

Sa X post ni Elon nitong Miyerkules, Marso 6, ibinahagi niyang larawan mula sa isa sa mga eksena sa animated movie na “Penguin of Madagascar.”

Makikita sa larawan na nakalapat kay Skipper ang logo ng X habang ang tatlo pang kasamahan nitong penguin na nakasaludo sa kaniya ay may nakalapat na logo ng Instagram, Facebook, at Threads. 

Naroon din sa artcard ang screenshot ng X post ni Andy Stone, Director ng Meta Communications, kung saan nito sinabing aware umano sila sa nangyari kanilang social media platforms.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

“If you’re reading this post, it’s because our servers are working,” saad pa ni Elon sa nauna niyang post.

Pero sa kasalukuyan, maayos na ulit ang mga social media platforms ng Meta at humingi na rin sila ng paumanhin sa abalang idinulot nito sa pamamagitan ni Andy.

MAKI-BALITA: Meta, humingi ng paumanhin sa pag-down ng kanilang social media platforms

Matapos naman ang naturang pangyayari, nag-trending sa X ang dating patok na social networking sites na “Friendster.”

MAKI-BALITA: Matapos ma-down ang Facebook: Friendster, trending sa X