April 21, 2026

Home BALITA National

UN Sec-Gen. Guterres, pinuri Pilipinas sa promosyon ng peace, democracy sa bansa

UN Sec-Gen. Guterres, pinuri Pilipinas sa promosyon ng peace, democracy sa bansa
Photo courtesy: PCO


Nakatanggap ng mabubuting mga salita mula kay United Nations (UN) Secretary General Antonio Guterres ang bansang Pilipinas, sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., dahil umano sa pagtataguyod nito ng kapayapaan at demokrasya.

Sa ginanap na press briefing ng Presidential Communications Office (PCO) nitong Martes, Marso 10, inisa-isa ni PCO Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro ang mga napag-usapan ni PBBM at Guterres sa kanilang bilateral meeting.

“Sa kanilang bilateral meeting, nabanggit po ni UN Secretary General Guterres: pinupuri po niya ang Pilipinas sa pamumuno po ng ating Pangulo dahil sa pagpo-promote ng peace and democracy sa ating bansa,” saad ni Usec. Castro.

Aniya, “At sinabi rin po niya na full support po ang UN para sa Philippine’s chairship to the ASEAN. Binanggit din po niya ang crucial role ng ASEAN in strengthening global cooperation. He commended ASEAN for upholding the primacy of international law and its full respect for the UNCLOS.”

“He also wished the President the best in campaigning for our candidature. The Philippines has been known in the UN as the bridge-builder, and he wants to see and hear the voice of the Philippines in the UN as loud as possible,” dagdag pa niya.

Sa parehong bilateral meeting, ipinagmalaki naman daw ng Pangulo ang  ang pagiging “proud partner” ng Pilipinas sa UN, at ang pagiging isa rin nito sa “founding members” ng nasabing organisasyon.

Binalikan din daw ni PBBM ang dating pakikipagpulong nito kay Guterres kaugnay sa development at progress ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Matatandaang isa sa mga dahilan ng paglipad ni PBBM patungong New York sa Estados Unidos mula Marso 9 hanggang 10 ay ang pangangampanya niya para maging ganap na non-permanent member ng UN Security Council ang bansang Pilipinas sa taong 2027 hanggang 2028.

KAUGNAY NA BALITA: PBBM nakatakdang bumisita, manawagan ng kapayapaan sa UN ugnay sa sigalot sa Middle East!-Balita

Inirerekomendang balita