Inilahad sa publiko ng Foreign Minister ng Iran na si Abbas Araqchi na tila pagod na raw silang makipagnegosasyon para sa kapayapaan sa Estados Unidos.
Ayon sa naging panayam ng international media kay Araqchi nitong Martes (araw sa Pilipinas), Marso 10, 2026, ibinahagi muna niyang masyado pa raw maagap ang paglalabas ng pahayag at komento ng kanilang bagong itinalagang supreme leader na si Mojtaba Khamenei, anak ng nasawing si dating Iranian Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei.
KAUGNAY NA BALITA: Anak ni Ali Khamenei, itinalaga bilang bagong supreme leader ng Iran!
“It’s too soon for him to make any comments. We are all waiting for his speeches and comments which [will surely] come later on,” pagsisimula niya.
Ani Araqchi, tingin daw niyang tila hindi na sila muling magkakaroon ng pakikipag-usap sa US dahil sa patuloy pa rin daw nitong pag-atake sa kanilang rehiyon, sa kabila ng kanilang tatlong beses na naganap na negosasyon.
“I don’t think… talking with the Americans or negotiation with the Americans once again would be an under table,” ‘ika niya.
Dagdag pa niya, “Because we have a bitter experience of talking to Americans. After three rounds of negotiation and after that American team into the negotiation… said itself that we made a big progress, still they decided to attack us.”
Pagpapatuloy ng foreign minister, hindi na raw nila magiging “agenda” o layunin ang makipag-usap pa sa mga Amerikano.
“So I don’t think… talking to the Americans anymore—would be our agenda anymore,” aniya.
Diin pa niya, malaki raw ang naging epektong sanhi ng pagiging agresibo ng US at Israel sa kanilang rehiyon at maging sa magiging epekto nito sa pang-internasyonal na komunidad.
“This is the result of the aggression by the Israeli and Americans which has made the whole region… unstable and, you know, the consequences are huge for not only us but for the whole region, and now for the international community,” pagtatapos pa niya.
KAUGNAY NA BALITA: KILALANIN: Si Mojtaba Khamenei, ang bagong supreme leader ng Iran
KAUGNAY NA BALITA: Trump, dismayado sa desisyong pagpapalit ng supreme leader ng Iran!