Kinumpirma mismo ni Senador Imee Marcos na dinala nila sa ospital ang inang si dating First Lady Imelda Marcos nitong Martes, Marso 5, dahil sa isang karamdaman.
Sa ulat ng ABS-CBN News, sinabi ni Imee na mino-monitor na sa ospital si Imelda, 94, dahil umano sa sintomas ng pneumonia.
Mayroon daw lagnat ang dating first lady at pabalik-balik ang ubo nito.
"Given her age, we have to take max precautions... Inospital na namin for close monitoring," saad ni Imee.
Matatandaang noong nakaraang taon nang isiailalim si Imelda sa angioplasty procedure.
Si Imelda ang asawa ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at ang ina nina Sen. Imee at Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.