Tinatayang aabot sa ₱5.3 milyong halaga ng pinaghihinalaang cocaine ang natagpuang lumulutang sa karagatang bahagi ng Barangay Bongtud, Tandag City, Surigao del Norte nitong Biyernes.

Sa report ng Regional Police Office 13, ang mga nasabing bloke ng cocaine ay nai-turnover na sa Surigao del Sur Police Provincial Office-Provincial Drug Enforcement Unit.

Sa pahayag nina Junjie Villaver, 36, at Paciano Villalba, 28, kapwa taga-Brgy. Bongtud, Tandag City, nangingisda sila sa nasabing lugar nang makita nila ang bloke-bloke ng cocaine nitong Marso 1, dakong 10:00 ng umaga

Halos isang kilo ang bawat bloke ng cocaine, ayon sa pulisya.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.