May 21, 2026

Home BALITA National

Usec. Claire Castro may ugaling papansin, nagdadala ng kahihiyan—VP Sara

Usec. Claire Castro may ugaling papansin, nagdadala ng kahihiyan—VP Sara
Photo courtesy: Alvin Sarzate (YT), RTVM

Direktang pinatutsadahan ni Vice President Sara Duterte si Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro na mayroon daw itong ugaling papansin at nagdadala ng kahihiyan sa Pilipinas. 

Ayon sa inupload na video ng Duterte supporter na si Alvin Sarzate sa kaniyang YouTube channel sa naging panayam nila kay VP Sara noong Huwebes (araw sa The Hague, Netherlands), Mayo 7, 2026, mariing pinaalala ng Bise na huwag na raw pansinin at bigyan ng halaga ng publiko ang mga sinasabi ni Castro. 

“Lagi kong sinasabi na kapag si Claire Castro ang nagsasalita, huwag ninyong pansinin [at] huwag ninyong bigyan ng halaga,” pagsisimula niya. 

Buwelta ni VP Sara, “nafe-feed” o tila nadaragdagan pa raw kasi ang papansin na ugali ni Castro kapag pinapakinggan ito ng mga tao. 

“Kasi ‘pag pinapansin n’yo, nafe-feed ‘yong kaniyang papansin na ugali,” diin niya. 

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Anang Bise Presidente, maituturing daw na problema ang pagdadala ng kahihiyan ni Castro dahil nirerepresenta niya ang selyo ng opisina ng Pangulo. 

“Ang problema kasi diyan sa kaniyang papansin na ugali, nagdadala siya ng kahihiyan. Kasi kapag nagsasalita siya, nandiyan seal ng Office of the President,” aniya. 

Pagpapatuloy pa niya, baka raw isipin ng buong mundo na makakapanood at makakakinig kay Castro na kawawa ang Pilipinas dahil ang huli ang tagapagsalita ng Pangulo. 

“Ibig sabihin, ‘yong buong mundo na manonood at makikinig, para bang mag-iisip sila na kawawa naman itong Pilipinas kasi ganito ‘yong tagapagsalita,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na pahayag, reaksyon, o tugon si Castro kaugnay sa mga nasaad ni VP Sara. 

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, ‘di gumagamit ng laptop dahil hindi marunong sa computer?

KAUGNAY NA BALITA: 'Baliw ako? Bobo ako?' VP Sara, pinabulaanan pagbato ng laptop kay Atty. Poa