Hindi tinutulan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang limang porsyentong pagtaas ng premium contribution ng mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ito ang pahayag ni PhilHealth President at chief executive officer Emmanuel Ledesma sa pulong balitaan sa Pasig City nitong Biyernes.

Aniya, ang hakbang ng punong ehekutibo ay nakapaloob sa liham na ipinadala sa kanila ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

Kamakailan, sinabi ng PhilHealth na hinihintay na lamang nila ang desisyon ng Pangulo kung sususpendihin nito ang implementasyon ng premium rate increase.

Matatandaang pinangunahan ni Department of Health Secretary Teodoro Herbosa ang panawagang suspendihin na muna ang pagpapatupad ng contribution hike sa paniwalang may sapat pang pondo ang PhilHealth upang makapagbigay ng benepisyo.

Sa kabila nito, ipinaliwanag ni Ledesma na iginagalang pa rin nila ang opinyon ni Herbosa sa usapin.