Nararamdaman na sa 41 lugar ang epekto ng El Niño phenomenon sa bansa, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ipinaliwanag ni PAGASA-Climatology and Agrometeorology Division head Ana Solis sa panayam sa telebisyon nitong Biyernes, makararanas ng below-normal rainfall sa limang sunud-sunod na buwan dulot na rin ng tagtuyot.

Mas mababa aniya ang bilang ng mga lalawigang apektado ng tagtuyot kumpara sa nauna nilang pagtaya na nasa 50 dahil nakaranas ng pag-ulan ang ilang bahagi ng Mindanao noong Disyembre 2023 at Enero.

“So ibig sabihin po medyo naibsan iyong mga ibang areas po na nagkaroon ng tubig-ulan, lalung-lalo na po dito sa may parte ng Western Mindanao area,” aniya.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

Nasa 80 lalawigan ang inaasahang maapektuhan ng El Niño ngayong taon, ayon sa PAGASA.

Inaasahang magtatagal ang El Niño hanggang Mayo.