Simula bukas, Pebrero 10, Sabado, ay nakatakda nang maningil ng toll fee ang Cavite-Laguna Expressway (CALAX) para sa kanilang Silang Aguinaldo Interchange.

Sa isang pahayag nitong Biyernes, inanunsiyo ng Toll Regulatory Board (TRB) na magiging epektibo ang updated toll rates ganap na alas-12:01 ng madaling araw ng Sabado.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Nabatid na ang initial base toll rates na kokolektahin ay P17 para sa Class 1, P35 para sa Class 2 at P52 para sa Class 3.

"The Toll Regulatory Board (TRB) has authorized the collection of the provisional Initial Base Toll Rates for the newly opened and substantially completed Subsection 4 of the Cavite-Laguna Expressway (CALAX)," anang TRB.

Anito pa, "This new Subsection 4 is a 4-lane expressway with an approximate length of 3.9 Kilometers starting at Silang (Aguinaldo) Interchange to Silang East Interchange in Cavite."

Samantala, hindi naman magbabago ang toll fees para sa ibang subsections ng CALAX.

"The toll rates of the previously opened and operational Sections of CALAX (Subsections 5,6,7 and 8 ) from Mamplasan/Greenfield to Silang East Interchange shall remain unchanged," anito pa.

Matatandaang Nobyembre 8 nang buksan ang Silang Aguinaldo Interchange.

Nakatulong ito sa mga motorista upang magkaroon ng mas madaling daan upang makarating sa Tagaytay, na isang popular na tourist destination.

Ayon sa MPCALA Holdings Inc., na siyang CALAX concessionaire, nasa 12,000 sasakyan ang dumaraan sa Silang, Aguinaldo Interchange araw-araw.

Higit doble ito sa tinaya nilang 5,000 sasakyan lamang.