Isang magnitude 4.3 na lindol ang tumama sa probinsya ng Davao Occidental nitong Huwebes ng umaga, Pebrero 8, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 5:50 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 303 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 54 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Tinatayang 66 mula sa 183 senatorial aspirants ang maisasama sa balota- Comelec

Hindi rin umanong inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.