Umuugong din daw ang bali-balitang hiwalay na sina Kapamilya star Darren Espanto at Kapuso star Cassy Legaspi.

Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Martes, Pebrero 6, iniulat nina Cristy Fermin at Romel Chika ang tungkol sa bagay na ito.

‘Pag tinatanong sila, wala naman silang diretsong sagot sa mga tanong na ‘Kayo ba?’ Wala pa rin. Nasa gitna ang sagot nila. Pwedeng magkaibigan, close friends, barkada. Ganoon lagi ang sagot,” saad ni Romel.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

MAKI-BALITA: Darren Espanto, nag-‘labyu’ na kay Cassy Legaspi, pero ‘friend’ pa rin daw: ‘We’re not rushing…’

“Pero mayroon namang ‘What you see, what you get.’ Saka close sila, tight.” pasubali ni Cristy.

At heto po, nakakaawa naman si Darren Espanto kung papaanong binabash ngayon at kung ano-anong mga salita ang ikinakapit sa kaniya. Talagang history repeats itself daw sabi,” aniya.

Dagdag pa niya: “Nakakaawa naman ‘yong bata na wala naman nagawang masama kundi ang magmahal at siguro naman ay minahal din naman siya ni Cassy. Pero ganoon talaga, e. Mga public figures sila.”

“Tapos si Cassy may lumulutang naman daw na may nanliligaw sa kaniya,” sundot naman ni Romel Chika. 

Matatandaang inurirat kamakailan ng ina ni Cassy na si Carmina Villaroel ang Sparkle artist na si Michael Sager tungkol sa posibilidad na ma-fall ang huli sa una.

Sinita tuloy ng mga netizen si Carmina dahil tila wala raw itong respeto kay Darren na nali-link sa anak nito.

MAKI-BALITA: Wala raw respeto? Carmina sinita sa pag-ship sa anak kay Michael Sager