Marami ang na-cute-an sa post ni Christian Lalusin Villote, 27, mula sa Sta. Rosa Laguna, tampok ang kaniyang alagang pusa na tila nagmukha raw bulldog dahil sa laki nito.

“Bulldog in the cat world,” caption ni Villote sa kaniyang Facebook post na umabot na sa mahigit 8,400 reactions, 771 comments, at 350 shares.

Sa eksklusibong panayam ng Balita, ibinahagi ni Villote na “Leffe Little Perfection” ang pangalan ng kaniyang cute na pusa.

Tatlong taong gulang na raw si Little Perfection at may breed itong British Shorthair. Nang huli raw timbangin si Little Perfection, umabot daw ang kaniyang bigat sa 18.2 pounds.

Tourism

World Architecture Day: Ilang makasaysayang gusali sa bansa na nananatili pa ring nakatayo

Sa kabila naman ng laki ng kaniyang pusa, very sweet at charming daw ito sa kaniya at sa ibang taong nakakasalamuha nito.

“He loves playing kahit 3 years old na. He loves cat teasers, ball and massage. He is independent and content so kahit iwanan mo ng ball or mouse toys masaya na siya,” kuwento ni Villote sa Balita.

Ayon pa kay Villote, hindi lamang naman mga Pinoy ang naku-cute-an kay Litte Perfection dahil sikat din daw ito sa China.

Sa katunayan, nakamit daw ng kaniyang fur baby ang “Breed Winner International” award noong taong 2021 hanggang 2022.

“Actually he and his ancestors already get the highest title here in China, but the 6th generation of their bloodline na kitten still chasing this season for FIFe World show sa Norway,” saad ni Villote.

Sa ngayon ay nasa China daw siya para sa international cat show competition, kung saan inilaban naman doon ang cute din na apo sa tuhod ni Litte Perfection.