Isang magnitude 4.2 na lindol ang tumama sa probinsya ng Davao Occidental nitong Linggo ng madaling araw, Enero 28, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 2:29 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 107 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island sa Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 29 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng nasabing lindol.

National

Matapos rebelasyon ni Garma: Ex-Pres. Duterte, dapat nang kasuhan – Rep. Castro

Hindi rin umanong inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.