Pinayuhan ng social media personality na si Xian Gaza sina Whamos Cruz at Antonette Gail kaugnay sa bashing na natanggap ng huli dahil sa sexy dance prod nito sa first birthday party ng kanilang anak na si Baby Meteor.

"Pareng Whamos Cruz at Mareng Antonette Gail, huwag ninyong pansinin yung mga sinasabi nila. Ang pakinggan niyo lang ay yung opinyon ng mga taong may ambag sa buhay niyo kagaya ko," saad ni Gaza sa kaniyang Facebook post nitong Biyernes.

Dagdag pa niya, wala raw mali sa ginawang sexy dance number ni Antonette dahil karapatan daw nila ito.

"Okay lang yung sexy dance number sa birthday ng inaanak ko. Walang mali doon. Karapatan niyo yon. Ang importante ay binibigyan niyo ng magandang buhay si Baby Meteor. Mahal ko kayong tatlo," ani Gaza.

Wala sa lugar? Antonette Gail inokray sa sexy dance prod sa birthday party ng anak

Kalakip ng naturang post ang ipinadala niyang P20,000 kay Whamos bilang pamasko sa inaanak niya.

"Stay strong. Huwag na kayong magbasa-basa ng mga comments. Lilipas din yan," saad pa ni Gaza sa comment section.

"Pagpasensyahan niyo na ang aking kakarampot na Pamasko at naghihirap na ko ngayon. Try kong bumawi next Christmas. God bless you three."

Nagpasalamat naman sina Whamos at Antonette sa kanilang kumpare.

"Thank you ninong. Dedma sa kanila," sey ni Antonette.

"Salamat pare," sey naman ni Whamos.

Matatandaang hindi nagustuhan ng maraming netizens ang sexy dance performance ni Antonette dahil hindi naman daw ito birthday ng isang adult, bakit daw ganoon ang klase ng performance na ibinigay niya?

Maki-balita: Wala sa lugar? Antonette Gail inokray sa sexy dance prod sa birthday party ng anak