Nababawasan na raw ang endorsement ni Kapamilya star Daniel Padilla habang kabaligtaran naman daw ang nangyayari sa ex-jowa nitong si Kathryn Bernardo na patuloy umanong nadadagdagan.

Pero sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Biyernes, Enero 26, iniulat ni showbiz columnist Cristy Fermin ang pag-depensa umano ng ina ni Daniel na si Karla Estrada kaugnay sa bagay na ito.

“Nag-depensa naman si…Karla. Paano raw mawawalan ng endorsement anak niya e mayroon nga raw bago? ‘Yong sa Bench ba,” saad ni Cristy.

“Pero ang daming nagsasabi: ‘Dati nang pictorial ng anak mo ‘yan! ‘Wag mong ilabas ngayon!’ Pero baka nga naman bago. Baka nag-renew. Tulad ng gagawin ng ABS-CBN kay Daniel,” aniya.

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file sa pagkasenador at party-list sa huling araw

Matatandaang tuluyan nang natuldukan ang bali-balitang bibitawan na umano ng Star Magic si Daniel matapos kumpimahin sa isang ulat ng ABS-CBN News na ire-renew daw ng aktor ang kaniyang kontrata sa nasabing talent arm.

MAKI-BALITA: Daniel mag-renew ng kontrata sa ABS-CBN, Star Magic; Kathryn, lalayas na?

Dagdag naman ng showbiz columnist: “Pero si Kathryn talaga ang so blessed these days. Ang dami niyang endorsement talaga. Alam mo na, image wise. Panalo talaga si Kathryn.”

Bago pa man ito, nauna nang sinabi ni Cristy sa nakalipas na episode ng kaniyang programa na mas liyamado raw talaga si Kathryn kaysa kay Daniel ngayong hiwalay na ang dalawa.

MAKI-BALITA: Daniel, dehado sa hiwalayan nila ni Kathryn?

Samantala, maging si Kathryn ay napapabalitang aalis din umano sa Star Magic. Pero kamakailan lang ay may lumabas na ulat para linawin ang tungkol sa bagay na ito. 

MAKI-BALITA: Kathryn Bernardo, hindi lalayas sa Star Magic?