Sumalang sa lie detector test si TV host-actor Luis Manzano sa latest vlog ni Kapuso star Bea Alonzo nitong Linggo, Enero 21.

Sa isang bahagi ng vlog, hindi naiwasang mapag-usapan ang pagiging dramatic actor ni Luis sa pelikulang “In My Life” (2009) kung saan nakatrabaho niya si John Lloyd Cruz at ang kaniyang inang si Vilma Santos.

“That was a very challenging movie. ‘Yong ‘In My Life’. Kasama ko mommy ko, John Lloyd Cruz. I swear, ang sakit ng likod ko kada shooting,” saad ni Luis.

“Bakit?” tanong ni Bea.

Eleksyon

Diwata, nabudol nga ba ng sinalihang party-list?

“Kargo ko silang dalawa.”

Natawa naman nang bongga si Bea sa birong iyon ni Luis.

“Pero grabe kinarir mo nga raw sabi ni John Lloyd. Kinukuwento niya sa akin,” sabi ni Bea.

“Nag-kiss kami,” ani Luis, “Brooklyn Bridge. Ang sarap mag-rehearse.”

Dahil dito, naitanong tuloy ni Bea kung sino ang mas may chemistry kapag itinambal kay John Lloyd: siya ba o si Luis?

“Kami,” mabilis na sagot ni Luis.

Pero it turns out, lie ang hatol ng detector sa pahayag ni Luis.

“Bata pa lang tayo, iba na ‘yong nagagawa n’yo ni Lloydie. Because of your God-given talent as individuals and chemistry. Wala pa akong nakikitang kagaya n’yo,” paliwanag pa ni Luis.

Matatandaang nakasentro ang kuwento ng “In My Life” sa kung papaano haharapin ng isang ina ang reyalidad na ang anak niya ay kabilang sa third sex at may karelasyong kapuwa lalaki.