Bahagi nga ba ng goal ni Kapamilya star Andrea Brillantes ang makahanap ng bagong pag-ibig lalo na ngayong tapos na ang kinabibilangan niyang youth-oriented show na “Senior High”? 

Sa eksklusibong panayam ng ABS-CBN News nitong Sabado, Enero 20, ibinahagi ni Andrea kay showbiz reporter MJ Felipe ang sagot tungkol sa bagay na ito. 

“Hindi po talaga ‘yon ang nasa focus ko. Pero never ko pa ring isasara ‘yong heart ko and ‘yong doors ko for love,” pahayag ni Andrea.

“I mean, I’m only turning 21 this year. Pero it’s really wala talaga siya sa focus ko. Wala siya sa vision board ko,” aniya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Bukod pa rito, sinabi rin ni Andrea ang ilan niyang plano at proyektong nakahanay ngayong taon.

Tanong kasi ni MJ: “What’s in line in 2024 after ‘Senior High’?” 

“So, mayroon po akong mga projects na niluluto pero hindi ka pa po talaga pwedeng sabihin. Pero ‘yong make up.brand ko po na ‘Lucky Beauty’, marami po akong ilalabas this year. So, sana po suportahan niya po ang aking brand,” saad ni Andrea.

Samantala, sa parehong panayam, ibinahagi rin ni Andrea kung gaano niya na-appreciate ang co-star niyang si Kean Cipriano at kung paano niya na-handle ang kaliwa’t kanang batikos na natanggap sa mga huling buwan ng 2023.

MAKI-BALITA: Andrea Brillantes, super na-appreciate si Kean Cipriano

MAKI-BALITA: Andrea, lumapit sa Diyos para sa ‘peace’