Pinadidistansya ng isang opisyal ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga opisyal ng barangay sa mga nagsusulong ng signature campaign para sa pag-amyenda sa Konstitusyon.

Kinumpirma ni Undersecretary for Brgy. Affairs Chito Valmocina na umiikot sa mga barangay sa buong bansa ang ilang sektor para mangalap ng pirma sa mga residente.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

Hindi aniya nakikialam ang mga barangay official na inatasan na lamang na i-monitor ang galaw o signature drive ng mga ito.

Pinayuhan pa ng opisyal ang mga opisyal ng barangay na idetalye ang kanilang report kung may mga kaso ng pamumuwersa at pananakot sa mga residente para lang pumirma para sa people's initiative (PI).

Ang PI ay isa sa tatlong paraan ng pag-amyenda ng Konstitusyon, bukod pa sa constitutional convention at constituent assembly.

Sa ilalim ng People's Initiative, ang mga nagsusulong ng pagbabago ng Saligang Batas ay dapat na makakuha ng 12 porsyento ng kabuuang bilang ng registered voters, kabilang na ang tatlong porsyento ng total voting population ng bawat legislative district upan maisulong ang Charter Change.