Inusisa ni “Asia’s King of Talk” Boy Abunda ang dating child star na si Jiro Manio tungkol sa posibleng pagbabalik niya sa showbiz industry.

Sa latest episode kasi ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes, Enero 19, napag-usapan nina Boy at Jiro na marami pa ring nanghihinayang kung hindi maipagpapatuloy ng huli ang pag-aartista.

Pero sabi niya: “Pinipili ko po, e. Sa ngayon po…Hindi na po katulad dati noong babad talaga ako sa TV. 

“Bakit?” tanong ni Boy.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Kasi po pinagbawalan po ako ng mga doktor sa rehab po na baka daw po maging effect ng stress ko, magkasakit daw po ako ulit. Dahil hanggang ngayon, nagte-take ako ng medicine,” sagot ni Jiro.

Dagdag pa niya: “Saka marami pong binawal sa akin.Bawal mapuyat, bawal masyado magalit. Bawal ‘yong mga substance.”

Sa naunang bahagi ng panayam, sinabi rin ni Jiro na kapag may nagtatanong sa kaniya o nangungulit kung kailan siya babalik ng showbiz, lagi niya raw sinasabi na nagpapahinga lang siya dahil nangangailangan daw siya ng full recovery.

Sa kasalukuyan, volunteer pa rin si Jiro sa rehabilitation center at pinagsisisihan na raw niya ang kaniyang mga naging bisyo.

MAKI-BALITA: Jiro volunteer pa rin sa rehab center, pinagsisihan na ang bisyo

Matatandaang ibinenta kamakailan ni Jiro sa vlogger at negosyanteng si Boss Toyo ang kaniyang trophy na napanalunan sa Gawad Urian bilang “Best Actor” sa pelikulang “Magnifico” noong 2004.

MAKI-BALITA: Jiro Manio no choice na, ibinenta Urian trophy dahil sa hirap ng buhay