Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang probinsya ng Batangas nitong Sabado ng hapon, Enero 20, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 4:04 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 13 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Tingloy, Batangas, na may lalim na 13 kilometro.

Hindi naman inaasahang magkakaroon ng aftershocks ang lindol, ngunit posible umanong magdulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.
National

Matapos rebelasyon ni Garma: Ex-Pres. Duterte, dapat nang kasuhan – Rep. Castro