Nagbigay ng pahayag si showbiz insider Ogie Diaz kaugnay sa talent fee ng aktor na si Ian Veneracion sa parada.

Matatatandaan kasing naghayag ng saloobin ang direktor at scriptwriter na si Ronaldo C. Carballo hinggil sa narinig niyang talent fee ni Ian kapag may public appearance.

MAKI-BALITA: May dagdag ₱100k pag lumagpas: Ian, ₱500k kada 2 oras ang TF sa parada?

Pero sa Facebook post ni Ogie nitong Huwebes, Enero 18, tila hindi niya nagustuhan ang mga sinabi ni Ronaldo hinggil sa bagay na ito.

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

Ayon kay Ogie, nakakaloka raw na ipinost pa sa Facebook ang sentimyento tungkol sa talent fee ni Ian samantalang simple lang naman daw ang argumento: kung hindi raw kaya, huwag kunin ang artista.

“Kahit isang milyon pa ang ipresyo ni Ian, karapatan niya ‘yon.  Deal nila 'yon. Kung paanong karapatan din ng mga promoter or producer kung kukunin nila o hahanap ng iba,” saad niya.

“So paano kung ang presyo ng management ni Ian ay 200k lang, ano, ipo-post din nila na ‘Ambait-bait ni Ian.  Pumayag siya sa 200k.’ Na hindi rin para i-post,” aniya.

Dagdag pa niya: “Imadyinin ninyo, hindi na nga natuloy, pinost pa at na-subject pa sa bashing nang todo si Ian. Eh, sagutin lang kayo ng, ‘Wala po akong kinalaman diyan.  Kaya nga po ako may management, eh. Sila po ang bahala sa career ko,’ tae este, talo na kayo.”

Sa huli, pinasalamatan ni Ogie ang mga tao na totoong nakakaunawa sa trabaho ng mga promoter.