Marami umanong nagtatanong kung nasaan na raw ba si Popstar Royalty Sarah Geronimo dahil tila ang tagal-tagal na raw nitong “walang galaw”.

Sa latest episode kasi ng “Cristy Ferminute” nitong Huwebes, Enero 18, ikinuwento ni showbiz columnist Cristy Fermin ang napanood niyang vlog ni Matteo Guidicelli, asawa ni Sarah.

“May mga nagtatanong, ang tagal-tagal na raw walang galaw si Sarah Geronimo. Nasaan na nga ba? Mayroon akong napanood, e. May vlog si Matteo. ‘Yong doon sa farm nila. Alam mo, hindi ako sasama doon,” saad ni Cristy.

“Grabe. Ang dawag-dawag, ang layo-layo. Wala pang signal. Nakakaloka. Tapos, pupunta ka sa ilog. Akyat ka na naman. Bundok na naman, bababa,” aniya.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Pero dagdag ng showbiz columnist: “Ito ‘yong mga gustong-gustong pinupuntahan at dinaranas ng mga artista na sawa na sa mga ilaw, sa mga camera. Doon nila nakikita ang kanilang kapribaduhan.”

Sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon si Sarah tungkol sa panunumbalik niya sa showbiz industry partikular sa pag-arte.

Pero matatandaang nitong Disyembre 2023 ay muli siyang natunghayang mag-perform sa musical noontime show na “ASAP Natin ‘To”.

In fact, napansin pa nga ng South African singer na si Tyla ang nasabing pagtatanghal ni Sarah.

MAKI-BALITA: ‘What the heck!’ Tyla, niresbakan ng ilang fans ni Sarah G