Ililibing na ang yumaong si Davao Archbishop Emeritus Fernando Capalla sa Lunes, Enero 15, ayon sa Archdiocese of Davao.

Sa isang opisyal na pahayag, inanunsyo ng Archdiocese of Davao na gaganapin ang libing ni Archbishop Capalla dakong 10:00 ng umaga sa pagdiriwang ng Solemn Funeral Mass sa San Pedro Cathedral, Davao City bilang pagbibigay-pugay sa kaniya.

Susundan daw kaagad ito ng Interment Rites sa Dormitorium de San Pedro.

“May we request for your prayers for the eternal repose of his soul,” saad ng Archdiocese of Davao.

Dating CBCP President Archbishop Capalla, pumanaw na

Matatandaang pumanaw si Archbishop Capalla noong Enero 6 sa edad na 89.

Ayon sa mga tala, kilalang peace advocate ang arsobispo noong nabubuhay pa. Nagsilbi siya bilang pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa loob ng dalawang taon.