Isang magnitude 4.1 na lindol ang tumama sa probinsya ng Biliran nitong Sabado ng gabi, Enero 13, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 7:07 ng gabi.

Namataan ang epicenter nito 11 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Kawayan, Biliran, na may lalim na 9 kilometro.

Naiulat ang Intensity III sa Kawayan at Maripipi, BILIRAN, habang Intensity II sa Almeria, at Naval, BILIRAN.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

Naitala naman ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity III - Kawayan, BILIRAN; Villaba, LEYTE

Intensity II - Maripipi, and Naval, BILIRAN; City of Catbalogan, SAMAR

Intensity I - Ormoc City; Leyte, LEYTE

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.