Nag-ugat ang usapin sa nangyaring malawakang blackout sa Panay nitong Enero 2.
Sinabi ni Transco President, Chief Executive Officer Fortunato Leynes na handa na silang kunin ang SO ng NGCP.
Nauna nang inirekomenda ng Department of Energy (DOE) ang naturang hakbang at kung sakaling matutuloy ang hakbang ay maiiwan na lamang ang transmission operations ng NGCP.
Kaugnay nito, tiniyak naman ni NGCP Spokesperson Cynthia Alabanza na irerespeto nila ang magiging hakbang ng gobyerno.
Gayunman, nagbabala si Alabanza na magkakaroon umano ng malaking epekto kapag tuluyang binago ang kontrata sa gitna ng effectivity nito.
Matatandaang naging kontrobersyal ang NGCP nang makaranas ng blackout ang malaking bahagi ng Western Visayas kamakailan.
Dismayado rin si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at sinabing hindi naganapanan nang husto ng NGCP ang kanilang trabaho kaya't nauwi sa insidente.