Ibinahagi ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang kamangha-manghang larawan ng Cat’s Eye nebula na nakuhanan daw ng kanilang Hubble Space Telescope.

Sa isang Instagram post, inahayag ng NASA na ang Cat's Eye nebula ang isa sa mga pinakaunang natuklasang planetary nebulae.

“The Cat’s Eye nebula is particularly complex for its type,” anang NASA.

“Planetary nebulae form when stars eject their outer layers of gas, resulting in spectacular shapes like the cat’s eye’s rings, knots, and jets,” dagdag nito.

Mosaic features ng tatlong nebula, ibinahagi ng NASA

Ayon pa sa NASA, ang bawat “visible ring” ng Cat’s Eye nebula ay ang nagsisilbing outer border ng isang spherical dust bubble. 

“This nebula has eleven visible shells, each created by its stars ejecting mass at 1,500-year intervals, resulting in onion-like rings from our viewpoint,” anang NASA.

“The mass of each dust sphere equals the sum of all planets in our solar system combined,” saad pa nito.⁣⁣

Kamakailan lamang, nagbahagi rin ang NASA ng mosaic features ng tatlong nebula na nakuhanan naman daw ng kanilang Wide-Field Infrared Survey Explorer (WISE).