Bumababa na ang bilang ng mga kaso ng Chikungunya sa Pilipinas.

Ito ang pahayag ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules batay na rin sa pinakahuling datos nitong Disyembre 16.

Sinabi ng ahensya, kahit nakapagtala ng 2,928 kaso ng Chikungunya sa nakalipas na 3-4 na linggo (Nobyembre 19 hanggang Disyembre 2, 2023), 57 lamang ang naiulat na kaso, isang 51% na pagbaba mula sa 116 na kaso na iniulat sa nakaraang dalawang linggo.

Wala pa rin namang naiulat na nasawi hanggang sa kasalukuyan.

Eleksyon

Vic Rodriguez, pamumunuan ang 'tunay na oposisyon' sa senado

Batay sa limang taong datos ng DOH, kadalasang tumataas ang kaso ng Chikungunya tuwing tag-ulan, mula Hunyo hanggang Setyembre.

Ngayong taon, parehong trend ang naobserbahan ng DOH at ang mga kaso ay kasalukuyan nang nasa downtrend pagkatapos ng mas mataas na bilang na iniulat sa panahon ng tag-ulan.

Ayon sa DOH, ang Chikungunya na isang viral disease ay naililipat sa mga tao sa pamamagitan ng kagat mula sa infected na lamok - kabilang ang Aedes aegypti, na nagdadala rin ng Dengue at Aedes albopictus. 

Kabilang sa mga sintomas ng Chikungunya ay lagnat, pananakit ng kasu-kasuan (likod, bukung-bukong, tuhod, pulso), pamamaga ng kasukasuan, pantal, sakit ng ulo, pananakit ng katawan, pagduduwal, at pagkapagod. 

Lumalabas ang mga sintomas ng sakit, tatlo hanggang pitong araw matapos makagat ang pasyente ng lamok na may dala ng virus.