Isang magnitude 5.3 na lindol ang muling nagpayanig sa probinsya ng Surigao del Sur nitong Linggo ng umaga, Disyembre 24, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 10:20 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 87 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, na may lalim na 10 kilometro.

Naitala ang Intensity I sa City of Bislig, SURIGAO DEL SUR; at Nabunturan, DAVAO DE ORO.

TIMELINE: Mga lindol na yumanig sa Surigao del Sur

Ayon sa Phivolcs, ito ay isang aftershock ng magnitude 7.4 na lindol sa baybayin ng Surigao del Sur noong Disyembre 2, 2023.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng nasabing lindol.

Hindi rin umanong inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.

?fbclid=IwAR3DvlOpK6VdZOuBx7BXDKfoYQMzWD_kEmAWePs-qKCawn07O7a2teSYIyc