Pinuri ng isang TV/movie director at scriptwriter ang pag-arte ni social media personality at Kapamilya star Ivana Alawi sa patok na action-drama series ni Coco Martin na "FPJ's Batang Quiapo."

Ayon sa Facebook post ni Ronaldo Carballo, ang lakas daw ng presensya ni Ivana sa Batang Quiapo.

"Ang lakas ng presence ni IVANA ALAWI sa 'Batang Quiapo,'" aniya.

"Hindi lang dahil sa maganda sya na oozing with sex appeal, malaking factor yung habang effortlessly ay sexy sya, mas [effortless] ang pagiging mahusay nyang aktres."

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

"Yung series ng chasing scene nila ni Coco Martin na talbog ang isang action movie, hanggang magtago sila at mag-sex sila ni Coco, ang husay ni Ivana."

"Dinadala nya si Coco sa mga eksena nila."

Naihambing pa niya si Ivana sa original leading lady ni Coco sa serye na si Lovi Poe.

"Mas mahusay din si Ivana kay Lovi Poe, sa tutuo lang."

"Nung nawala na si Lovi sa eksena dahil 'nagpakasal' na sya in real life, tumayo ng maganda at mas naging interesting pa nga ang serye nang si Ivana na ang partner ni Coco."

"Ngayong nagbalik na si Lovi as Mokang, at literally ay nasa background lang si Ivana as Bubbles, habang nagiging ungentleman kay Bubbles si Tanggol (Coco). Matapos nyang gamit-gamitin at kangkangin si Bubbles), lalong lumulutang ang husay ni Ivana."

"Yung patingin-tingin lang sya, habang 'nagseselos' na sa harap-harapan namang pambabastos ni Tanggol sa kanya, lamun na lamon ni Ivana si Lovi."

"Habang tahimik lang ang acting ni Ivana, nagngangal-ngal naman si Lovi."

"Katuwa kase si Ivana ay hindi lang basta naghuhubad, tunay syang magaling na aktres ng henerasyong ito..." anang direktor-writer.

Wala pang sey o pahayag si Ivana sa papuri sa kaniya ni Ronaldo.

Ngunit sa kaniyang Facebook post ay ibinahagi ni Ivana ang larawan nila ni Lovi habang nasa set ng Batang Quiapo.

"Bubbles x Mokang 💕," caption niya rito.