Inihayag ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Miyerkules ng gabi, Disyembre 20, na 51.74% o 594  sa 1,148 examinees ang pumasa sa December 2023 Chemists Licensure Examination, habang 82.86% o 2,600 sa 3,138 examinees naman ang pasado sa Chemical Technicians Licensure Examination.

Sa inilabas na resulta ng PRC, kinilala bilang topnotcher ng Chemists Licensure Exam si Krizzia Mae Dampios Ignacio mula sa Visayas State University matapos siyang makakuha ng 92.60% score.

Hinirang naman ang University of the Philippines - Diliman bilang top performing school matapos umano itong makakuha ng 83.08% overall passing rate.

Samantala, kinilala bilang topnotcher ng Chemical Technicians Licensure Exam sina Aissa Marie Bucayan Flores mula sa Cebu Institute of Technology-University at Marjorie Del Campo Ocampo mula sa University of the Philippines-Los Baños matapos silang makakuha ng score na 92.50%.

Probinsya

Asawa ng mastermind sa pagpatay sa mag-asawang online seller, nagpadala raw ng lechon bago ang krimen?

Hinirang naman ang Technological University of the Philippines-Visayas at Pamantasan ng Lungsod ng Maynila bilang top performing schools sa nasabing exam matapos makakuha ang mga ito ng 100% overall passing rate.

Isinagawa umano ang mga pagsusulit mula Disyembre 13 hanggang 15, 2023 sa mga testing center sa Metro Manila, Baguio, CDO, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pampanga, Rosales, Tacloban at Zamboanga.